From John: Greetings from Casablanca

Posted by Sonny Thursday, May 15, 2008
Hi po! Musta na po kayo? Ako, oks naman po. Maluwalhati naman pong nakarating dito sa Casablanca. Hindi naman ako naligaw sa Dubai. Hehehe. Yung biyahe naman po ng Manila to Dubai eh hindi ako masyadong kinabahan kasi 90% ng pasahero ay puro OFWs na kagaya ko. May iba pa ngang first timer din na katulad ko na wala ding kasabay. Katulad nila nagtanong-tanong na lang ako sa mga kababayan natin na sanay ng bumibiyahe. Mababait naman sila ta tinutulungan nila kami. Pagdating naman po sa Dubai ay maayos din naman dahil pagpasok mo sa airport na kung saan ay nandun na din yung Duty Free ay puro Pinoy ang mga empleyado din kaya parang nasa Pilipinas ka lang. Pagsakay ko naman ng eroplano papuntang Casablanca ay medyo kinabahan na po ako kasi tatlo na lang kaming pinoy doon. Nahiya naman akong lapitan kasi hindi ngumingiti kapag nginingitian ko. Pagdating ko sa Casablanca ay matagal bago kami nagkita ng sundo ko. Doon na po ako sobrang kinabahan kasi yung cp ko walang signal. Nagloloko na at hindi ko matext si Ms. Agnes. Hindi naman po ibinigay sa akin yung telepono ng opisina dito. Pero sa awa naman po ng Poon eh nagkita din kami. Nagkaroon lang ng misunderstanding sa pagsundo sa akin. Tapos yung dalawa palang kasabay kong pinoy sa eroplano eh mga taga-Duty Free din pala. Konti lang po ang pinoy dito. Karamihan sa kanila ay empleyado din ng Duty Free. Merong ilan na nagtratrabaho sa ibang company pero konti lang. Kaya bihira kang makakita ng pinoy sa daan. Maganda naman po yung tirahan....este tinutuluyan (baka iba na naman ang maisip ni Sir ATB, Hi Sir Alex). Lima ang kwarto at dalawang CR. Mukhang mababait naman sila at makukulit din. May toyo din katulad ni Jenny (Hi Jen, mamimiss din pala kita akala ko hindi, hehehe). Marami na din po akong nakilalang taga-Duty Free. Yun po kasing buong building (5 floors) ay puro mga taga-Duty Free.



Nung una kong labas sa bahay (mga hapon ng biyernes pagdating ko dito) para bumili ng tubig ay may nakasalubong akong mga estudyanteng Moroccan. Nung makita nila ako at yung kasama ko sinisigawan nila kami ng "Shingwa" na ang ibig sabihin pala ay chinese. Biruin mo napagkamalan akong kamag-anak ni Jen (hi jen ulet, hehehe). Yun pala kapag Asian yun ang parang tawag nila since hindi nila alam ang Pilipinas kasi nga bihira ang pinoy dito. Nakasama na din ako sa pamamalengke nung saturday. Mas maganda pa ng konti ang mga palengke natin dyan. Yung timbangan nga nila dito ay yun bang may dalawang lalagyanan. Sa kabila yung item tapos sa kabila yung mga bakal na by kilo. Low tech sila. Mas advance pa nga yata tayo sa kanila eh. Natatakot pa din akong lumabas ng mag-isa kasi hindi sila nakakaintindi ng English, French lang at Arabic ang alam nila (kaya Riza kung nosebleed kami syo diyan dito ikaw ang manonosebleed, hehehe, hi Riza). Pero may ilan na ding Arabic at French akong alam pero konti lang. Hehehe. Hindi pala magandang sabihin dito ang salitang "kaliwa" dahil pagtitinginan ka nila dito kasi hindi kaayaayang pakinggan yun dito. Pareng Rusell maliit pala ang "kaliwa" mo bro (musta bro, namimiss na kita wala akong maasar dito, pasensiya ka na iniwan kita sa chat kanina). Hehehe. Bukas po ay papasok na ako. Kinakabahan ako. Sana makayanan ko. Please continue praying for me po. Yun na lang po muna. Wala na akong maikwento. Saka kailangan ko na pong matulog baka kasi hindi ako magising bukas eh 7:20 pa naman ang sundo namin. Sa mga hindi ko naasar sa susunod na lang kasi wala na akong maisip. Pero namimiss ko po kayong lahat (Irish email na lang me syo bukas, may mga sasabihin pa po ako syo, kasi matutulog na po ako hehehe).



Maraming maraming maraming salamat po sa lahat ng supporta, panalangin, at pagtulong ninyo sa akin. Ingat po kayong lahat palagi at hanggang sa muli nating pagkikita. God bless!!!!

1 Responses to From John: Greetings from Casablanca

  1. Anonymous Says:
  2. lolo, malapit na!!! akalain mo, parang kelan lang...

     

Post a Comment

  • EGDL

    VP-CASG
  • ECG

    Audit DM
  • ASA

    Audit Manager
  • ATB

    IT Auditor
  • MDG

    Senior Auditor
  • SAA

    Senior Auditor
Blogumulus by Roy Tanck and Amanda FazaniInstalled by CahayaBiru.com

Followers